Jayson de Lemon

August 3, 2007

wHo iS jAySoN?

Filed under: All About Jayson — Jayson de Lemon @ 10:07 am

First of all, who am I? My name is Jayson de Lemon, born on July 24, 1984 and living in Philippines, . It’s very hard for me to describe myself but this, I guess, is difficult for everybody.I think I’m a relatively thoughtful and quiet person, especially towards people I don’t know very well. However, people who I call my friends, know me as a very lively and talkative person.

Basically, I think I’m a positive and life-affirming person. In my mind, everybody can reach nearly every goal, in case he/she really believes in it. You just need a great portion of staying power, motivation, and enthusiasm – and I think, I do fulfill these “requirements”. At least till now, I was able to turn most of my dreams into reality – and some are still waiting to become reality.

I also believe that I’m patient and relatively calm – in the past, this wasn’t necessarily the case but certain events in my life changed this behavior. Even so, sometimes I still can be very quick-tempered.

Furthermore, I think that I’m quite quick-witted – I often come up with an answer like that and moreover, I do not just sit down and take things (especially those that bother me) like that. Unfortunately, that’s not always favorable – sometimes I have the feeling that people get a wrong impression of me – the impression that I always have to have the last word.

Apart from that, I’m curious and therefore I get relatively easy enthusiastic about certain ideas, things, etc. I also do not shrink back from challenges – on the contrary, most of the time I love to accept challenges.

Although I’m able to be spontaneous, I rather prefer to think over certain things in advance. Therefore, I sometimes have the problem of racking my brain over things, which do not occur in the end. But meanwhile, I’m working on this “problem”.

Moreover, I’m very reliable – if I promise something I’ll keep it. That’s why I can’t stand unreliable persons – if he/she is not able to hold onto things promised, then he/she should not promise anything.

So, that’s all I want to give away (and believe, it was a bit hard for me) – however, I hope you were able to get a picture of me (in case, you don’t know me personally).

August 2, 2007

Papa

Filed under: Family of Jayson — Jayson de Lemon @ 10:54 pm

papa

Mr.Manuel de Lemon Sr.

Batid ng lahat ng nakakakilala sa papa ko ang kanyang likas na pagiging mabait, mapagmahal at marunong makipagkapwa.
Isang mabuting ama ang papa ko batid ko dahil hindi man nya masabi sa amin ang pagmamahal nya sa amin ay kanya namang ipinakikita at ipinararamdam ito.
ang papa ko ay mas madali kong maididiscribe bilang isang tahimik at hindi makasalita ngunit malalim kung susumahin. May mabuting kalooban at pagmamahal sa pamilya.
Sa kasalukuyan, dahilan upang ipakita ang pagiging responsableng padre de pamilya kahit na may dinaramdam sa kanyang kalusugan ay pilit pa ring kumakayod bilang operator ng isang printing press.
Thanks God for my Papa!

Mama

Filed under: Family of Jayson — Jayson de Lemon @ 10:51 pm

mama

Mrs. Erlinda de Lemon

“World’s Greatest Mom”

Pinakamahalagang babae sa buhay ng apat na lalakeng de lemon.Di matatawaran ang pagiging isang responsableng ina “mother of all times” ika nga.Huwarang ina na handang itaya ang buhay alang alng sa pamilya.Babaeng matatag at hindi matitinag laban sa maga problema.Taong may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa.

Mrs. Erlinda de Lemon!

Sa katotohanan isa sa pinakamahalagang tao sakin ay ang aking ina, ina na nagbigay ng buhay at bumuo ng aking pagkatao sa pamamagitan ng pagaruga sakin mula ng akoy ipinanganak nagkaisip at nagkaroon ng pakapak.Ina na nagpaunawa ng tunay na kahulugan ng buhay na ang buhay ay hindi puro pasarap kundi kailangan din ng sakripisyo upang matugunan ang panganga ilangan sa buhay man o sa kaligayahan.

Madalas niyang sabihin na hinding hindi ko makakalimutan ay ang mga katagang ” Totoy, lahat ng hirap na dinadaanan ko ay para sa inyo, para makaahon, makapagaral, magkaroon ng magandang kinabukasan, at mabigyan kayo ng magandang buhay.” Sa mga katagang yan labis nyang ipinaramdam sa amin ang kanyang pagmamahal bilang ina, ang pagiging responsable higit pa sa inaasahan naming mga anak.

Si mama ay masasabi ko ring larawan ng isang babaeng matapang na handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Noong bata pa ako ilan sa mga naalala ko ay ang pagtatanggol nya samin laban sa mga nangaapi sa amin, sa paaralan, kapitbahay at sa mga taong nasa paligid. Hindi niya hinahayaang masaktan ni isa man sa amin.

Si mama rin ang masasabi kong may mababaw ngunit may malalim na kaligayahan.Isa sa mga halimbawa nito ay ang kaligayahan nya sa mga oras na nakakatanggap kami na karangalan. Kung sabagay ito nga lang naman ang pinaka mahalagang maaari naming maipagkaloob sa kanyang ” Karangalan”.

Sa kabuuan, kung susumahin si Mrs. Erlinda de Lemon na aking ina para sa akin ay larawan ng isang perpektong ina na maari kong ipagmalaki bilang isang “Mother of all Season”

Sa kasalukuyan, upang patuloy pa ring matugunan ang pangangailangan ng pamilya, si Mama ay masipag na nagtitinda ng isda sa palengke dito sa Baguio. Nagtitindda rin sya ng kakanin bilang sideline upang upang may pangkunan ng iba pang gastusin.
Lahat ng itoy matatag nyang ginagawa para sa amin, Lalo na sa aking kalagayan na labis kong ipinasasalamat dahil isa siya sa nagbigay at nagdudugtong sa buhay ko at patuloy na inaalalayan upang makabangon ako at magpatuloy sa

aking buhay.
Thanks God for my Mom!

Emerson de Lemon

Filed under: Family of Jayson — Jayson de Lemon @ 10:38 pm

Kuya
Mr. Emerson de Lemon
“Kuya”

May mataas na pangarap, may ipagmamalaki, at may talino kakayahan at abilidad sa buhay.Graduate ng economics, nakapasa sa ibat-ibang pagsusulit pangpropesyonal.nagtrabaho at maagannatutong
sumuporta sa sarili at tumulong sa pamilya.

Yan ang kuya ko!
Noong mga bata pa kami madalas hindi
kami magkasundo dahilan sa syempre bawat isa
sa amin ay may kanya-kanyang ugali na kontra
bawat isa. Syempre sabi nga nila pare-parehong matatalino, pare-parehong magagaling, pare-parehong ayaw magpatalo kay pare-parehong napapalo! Sya
ang panganay samin at ako naman ang pangalawa na pilit na
naghahangad na mapantayan at malampasan sya ngunit batid
kong hindi ko kaya dahilan sa di ko kayang magakto bilang
pangalawang ama sa pamilya na tulad ng gingawa nya.
Lam nyo ba na nagpapasalamat ako sa kuya
kong ito dahil isa sya sa nagsakripisyo sa akin noong ako ay
nakaratay sa sakit?Alam ko na mahirap para sa kanya na itaya ang sahob niya mula sa kanyang pinagtratrabahuhan para lamang maipangsuporta sa gamot ko at iba pang
pangangailangan.

Sayo Kuya, Maraming salamat!
Thanks God for my Kuya!

Manuel de Lemon Jr.

Filed under: Family of Jayson — Jayson de Lemon @ 10:36 pm

Emman

Mr.Manuel de Lemon Jr.

“Bunso”

Pinakabunso sa magkakapatid ngunit nauuna sa pagiging maabilidad sa pagiging madiskarte. Alam nyo ba na marami ng gamit sa bahay ang nasira ang aming bunsong kapatid? dahilan yan sa abilidad nya sa pagkutingting na nakikinita namin na magiging isang magaling na teknisyan sya balang araw.
Sa aming magkakapatid iyang si Emman naman ang hinahangaan ko sa kanyang pagiging masipag. Alm nyo kasi yang si emman ang gumagawa at nagtratrabaho sa loob ng bahay. Guess what? Tulad namin ni kuya ay may pagkapanuri din yan at talaga namang sinusubukan kung ano mang gusto nyang matuklasan.
Kaya hanga rin ako dyan sa bunso naming si emman, Mapanuri! (Kaya sira lahat ng kagamitan!)
Sa kasalukuyan nasa iaka apat na taon na sya ng mataas na paaralan ng sekondarya at syempre masipag naman at talagang nagaaral.
Emman, goodluck!
Thanks God for our Bunso!

Pasasalamat

Filed under: All About Jayson — Jayson de Lemon @ 10:31 pm

tHANKFULL Sasamantalahin ko lang po ang pagkakataon upang pasalamatan ang mga taong tumulong at nagbigay ng suporta at concern sa akin sa mga panahong nasa bingit ako ng kapahamakan.

Unang-una po salahat nais ko pong magpasalamat dahil ang kailan lang na halos wala nang buhay na katawan ko ay ngayon ay kasalukuyan nang ganap na malakas at tuloy-tuloy na ang pag-galing, at ang lahat nang itoy utang ko sa mga taong tumulong sa akin. kung kaya’t gumawa ako ng paraan upang kahit sa blogdrive ko man lang ay maipahayag ko ang aking taos pusong pasasalamat.

Isa sa pinakamahahalagang tao na pinasasalmatan ko unang-una ay ang aking pamilya na nagpakita at nagparamdam ng aking kahalagahan bilang kasapi.

Samga taong nagbigay tulong pangpinansyal specially kina Auntie Salie and family, Auntie Minnie And Family, Auntie Marlyn And Family,Ate Jing and Family, Pati na rin sa mga taong tumulong na di nabanggit. Maraming-maraming Salamat!

Sa mga taong nagdasal para sa kaligtasan ko, Sa mga Taga-Bicol at Taga-Baguio City, Sa mga Doctors at Nurses na nag-asikaso sa akin at syempre sa mga taong nagpuyat upang alagaan ako sa ospital, Kina tita Saling At Boryo. Maraming Salamat sa inyo!

Sa lahat po na naging bahagi ng aking paggaling na tumulong, nakiramdam, nakiramay at nakidasal, Maraming-maraming Salamat!

Sa pagkakataong ito ramdam ko talaga ang pasasalamat lalo’t higit sa ating Poong Maykapal sa pagbigay niya sa akin ng bagong buhay at bagong pag-asa upang malasap na muli ang ganda ng buhay.

salamat!
salamat!
salamat!

Bikolanong Pinoy

Filed under: Proud To Be One — Jayson de Lemon @ 10:27 pm

Nagpapabisto, Bikolanong Pilipino!

by: Jayson de Lemon

Hali sa Bikol kung sain man ako nagpuun,
Uragon kung apudun kung sa indong tubudun.
Makusog ang buot na talagang maisugun,
Sa maski anong laban dai daraugun.

Bikolano ako! Saro sanang Pilipino!
Iba sa kadaklan na talaga mang matino.
Puso ning mga Pinoy, Puso ning mga Bikolano
igwa ning kararahayan maski na kay isay!

Bikolano ako! Sa Pilipinas bistado.
Maharang na lasa ay saro man sanang gusto,
Nagpapahiling, ibang-iba ang bikolano,
Sa pilipinas ay ipinagmamalaki ko!

Magagayon na mga tao yan ay Bikolano!
Tatao sa buhay na talagang may asenso,
Matinong kaulay, dai man manloloko
May sarong tataramon na maaraman mo.

Mga Bikolano, MakaDiyos at Makatao,
Sa kinab-an Diyos sasamuya ay Hadi
Tubod kami na gabos sya ang puro may gawa,
Sa ara-aldaw nakabantay na mayong sawa.

Kaming Bikolano maski sain kaibhan mo,
Marahay na pakikiiba mamamati mo.
Taram na pagmuot kami man din ay tatao,
na maski kay isay maadi ming itao.

Gulpi ang nagahahapot kung nasain a Bikol,
Bikol na istaran na mabuot ay kadakol.
Rehiyon Singko po, may kadaklaan a sukol
Bikolandia kung apudon mi igdi sa Bikol.

Taas ning angog maski kay isay man na tao!
Sasabihon na uragon, mabuot, magagayon!
Bikolano ako! Iyo po bikolano ako!
Nagpapabisto Bikolanong Pilipino!

Bicolano Barkadas

Filed under: All About Jayson — Jayson de Lemon @ 10:23 pm

Friendship“Friendship is unnecessary, like philosophy, like art… It has no survival value; rather is one of those things that give value to survival.”

Marahay na aldaw sa indo gabos, Lalong lalo na sa sakuyang mga Padihun at saka Madihun! Sarong pagirumdum ang saindo sakuyang pinapaabot!

Saro sa mga pangyayading dai ko malilingawan sa buhay ko na saro man sana sa pinakamarahay na nangyadi sa buhay ko ay ang satuyang mga naging iribahan. Iribahan na naging parte ning buhay ta na saro sa nagkumpleto ning satuyang pagkatao.Manamit bagang dangugon na sa paglipas ning mga panahon habang kita naglalakaw pasiring sa satuyang paghaloy igdi sa kinab-an ay sasabihun tang “GULPI AKONG NAGING BARKADA!” Yan ang mga tataramun na nagpapatunay na tatao kitang makiiba na nagtabang man sana sa sadiri ta na dai mapung-aw habang nilalakaw ta a buhay kasabay ning pagtao ta igdi ning saysay.

“Friends are the most important ingredient in this recipe of life.”

Kung mapapansin nindo, garo lang kita nagsurumpungan saka nagpabisto sa bawat saro sa satuya hanggang sa nakua ta a buot ka bawat saro sa tuya kung kaya’t nagkairibahan kita, at sa pag-agi kan panahon o mga aldaw ay nakabuo kita ning mga pangayayadi at saka iribahan na talaga mang anong pagkanamit girumdumun. Yaon si nagngingiriritan kita, nagkakaurugmahan, nagkakarawat at kung minsan ay nagkakararautn ning buot o nagtatarampuhan. Saro ngani sa mga nagigirumduman ko ay pirmi kitang nag-iiribahan sa kalukuhan, Bakong iyo? Pero, ang saro man din sa pinakamarahay na nagigirumduman ko ay ang sa tuyang pagdadaramayan sa mga problema. Minsan nag-iiriwal kita pero yan man ay natural mana dahil para sako mas nakakatabang ini para lalo pang tumindi ang satuyang iribahan dahil naaraman ta a mga bagay na habo ta na sa pagmati ta ay sarong raot ning buot a kaluluwasan. Saka mayo mana garong thrill kung puro nalang possitive a nangyayadi. Pero syempre ano’t-ano man a mangyadi Yaon pa din ang satuyang iribahan at pagkakamuruutan.

Mga padi mga madi, Ining sakuyang artikulo na naisurat ay sarong pag-refresh lang ning sakuyang memorya sa mga naging barkada ko mula kaito hanggang sa ngunyan. Sinda o kamo a naging saksi sa mga pangyayadi na napag-agihan ko sa buhay lalong – lalo na a sakripisyo kaitong iba sainda o sa indo. Gusto ko ipa-abot sa indo ang sakuyang pasasalamat dahil hanggang ngunyan nabubuhay ako ning may pakiki-iba dahil sa indo! Para sako gabos na aldaw ay

” FRIENDSHIP DAY !”

A Prayer for a Friend

Dear Lord,
If I could only be,
Worthy of one wish from Thee.
I would not ask for wealth or fame–
For I have more in Jesus’ Name;
I would nor ask for homes and lands–
My treasures lie in Jesus’ hands;
I would not ask for health or food–
For thou dost give me all that’s good;
But I would that I could see,
Just how the greatest friend to be
To all Thou’st given me to love,
Both here and in our Home above–
That, Lord, the love Thou hast given me
Might fill thier lives and soul, that he
Will never question, never fear,
My love for them is just veneer–
But man each time I clasp thier hands,
Feel friendship true, and understand
That of Thy many gifts I see,
they are a precious one to me.
Amen
Mga Padi, Mga Madi mabuhay kitang gabos!!!!

Regards to the following :

*
Blue Boys Jams Of Bagasbas Daet, Daet, Camarines Norte
*
Significant Others of CNNHS School Year 2000-2001
*
Jarmic Benard of MIS School Year 1997-1998
*
Ayos of CNNHS School Year 1999-2001
*
PTB Section of AMA-CLC-Daet Year 2001
*
Jollibee Crew Nov.01′-Aug.02′
*
Tolits of Zamora, Baguio City
*
P-2 Zamora Group, Baguio City
*
LPC-Daet,CN 2nd Year School Year 1998-1999
* University of Baguio BSBA 1st Sem 2007
*
Etc……..

Sad Experience

Filed under: All About Jayson — Jayson de Lemon @ 10:19 pm

(Originally posted on March 24, 2005)

Life's Journey Isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ang ang mabuhay sa piling ng Dyos.nagpapasalamat ako sa kanya sa pagbigay nya sa akin ng kumpletong buhay kapiling ang aking mga magulang, kapatid at kaibigan.
sa aking paglaki at pagharap sa buhay na inaakala ko nung una ay simple lang,maraming mga bagay ang aking naunawaan at naramdaman sa kabila ng mga pagsubok at problemang dumating.
humahanga ako sa mga magulang ko dahil sa bagaman sila ay nasa gitna ng hirap at pagdurusa na humaharap sa hirap ng mundo ay hindi nila nakakalimutan ang Dyos kung kayat nalalampasan nila ito. Tama blessing nga ito sa kanila!pinanganak kaming magkakapatid na kilala ang Dyos ngunit dahilan sa tukso ng kadiliman at kapaligiran hindi naiwasan ng bawat isa sa amin ang magkasala.
sa aking pagharap sa buhay, dumaan ako sa maraming lugar ng buhay na kung saan nalaman ko kung ano ang mabuti at masama.naging marupok ako at nagpaanod sa agos ng kasalanan, kung kaya’t dinanas ko ang matinding hirap na sa palagay ko ay nararapat lang sa akin.Natuto ako!
andami kong pinagdaanan na aking sinunggab kahit alam kong itoy mali,basta malaman ko lang at maranasan kung paano ito nangyayari.di ba sabi nila bago mo malaman ang isang bagay at maunawan ay kailangan mo itong maranasan.Pero mali pala ako roon!kailangan pala pag alam mo nang mali wag mo nang gawin,pero sabi ko mathrill e! Pero ano nga ba ang kinahinatnan ko?masasabi ko bang matril ang ganitong bagay?
highschool ako noon ng maranasan ko ang pagiging rebelde sa buhay. Dahilan sa kakulangan ko sa pangunawa tungkol sa kinakaharap kong buhay noon sinubukan ko lahat ng di nararapat para sa isang kabataang tulad ko.natutunan kong magbisyo,magsugal at marami pang iba masasamang gawain.Gayunpaman hindi naman ako naging ganun kasama. Matagal ko ginawang hobby ang mga ganung bagay hanggang sa dumating ang pagkakataong hindi na ko sumusunod sa sinasabi ng magulang ko at nakatatanda sakin. Hindi ako nawalan ng magandang asal at naroon pa rin naman ang paggalang ko ngunit mapapatunayan ko pa ba naman yun gayong pasama na ang landas na tinatahak ko? Pero kahit na natutunan ko ang mga bagay na di maganda pinilit ko pa ring maging responsable. Natapos ko pagaaral ko sa highschool,nagtrabaho ako bilang service crew sa jollibee at nagaral ako sa AMA college at UB college d2 sa baguio.bagaman naging responsable ako sa gayong paraan nakalimutan ko na naging iresponsable ako sa pagsunod sa utos ng Dyos.Inisip ko na walang mali sa ginagawa ko hanggang sa dumating ang araw na tinalaban ako ng sakit na sa buong buhay ko di ko malilimutan,ang pagkapilay ng aking kanang paa. Sa una ininda ko ito dahilan sa wala na akong kinatatakutan, pinagpatuloy ko pa rin ang mga hindi magagandang bagay.Hanggang sa dumating ang araw na umakyat ang impeksyon sa aking ulo at nawala ako sa aking sarili.Tinakasan ko pa nun ang mama ko na mula Baguio ay umuwi ako sa bicol upang magawa ang gusto ko, at hindi ko na alam na wala na ako sa sarili kong katinuan.Ang pinagtataka ko batay sa mga kaibigan ko matino naman daw ako ng mga panahong yun.marami silang patunay na ginawa ko raw.”alam kong hindi ako yun!” sabi ko sa sarili ko.natulog ako ng mahabang panahon na parang pinaalam sakin ang napakarami kong pagkakamali at may pumalit na kung sino sa aking katawan.dumating araw na ilang oras na lang ang binibilang ng aking buhay. Thanks God dahil pinaalala ng Dyos sa mama ko ang aking kalagayan. Dumating ang mama ko sa bicol dala ang pagasang masasagip nya ako mula sa bingit ng kamatayan. Nadatnan nya ako na halos wala ng buhay,agad nya akong ibyenahe mula sa bicol patungong Baguio.halos labingwalong oras ang byahe.dumating sila sa baguio general hospital na talagang halos patay na ako at sabi nila ay commatos daw.Hindi raw agad ako inasikaso ng mga doctor dahil sa kasalukuyan daw na busy daw sila sa operasyon ng ibang pasyente.inabot ng humigit kumulang anim na oras ay inasikaso din ako kaagad at dinala sa operating room. Iyak ng Iyak ang mama ko lalo na ng malaman na patay na ako. Anlaking problema ng kinaharap ng mama ko ng mga oras na yun lalo na sa pangfinansyal na problema. iniisip nya kung paano maiuuwi ang bangkay ko sa bicol.Dumating ang mga alagad ng Dyos na sina Pastora fennie,ipinagdasal nila ako at isang himala na alam kong ibinigay sakin ng Dyos ang naganap,nabuhay ako at isinailalim sa operasyon.Pinutol ang buto na infected sa paa ko at pinalitan ng buto na nanggaling sa tagiliran ko.Kinabukasan naging maganda ang daloy ng buhay ko bagaman naharap si mama sa matinding hirap sa pagbayad ng mga kailangan ko sa ospital.Sabi ng mama ko ilang araw na 3000 pesos a day daw ang hinahanap nya para lang masuportahan nya ang gamot ko.ilang araw matapos ang operasyon ko ay halos nagkaroon ako ng amnesia dahilan sa wala akong maalala ng mga oras na yun.maraming nagpatotoo sakin na ang nangyari sa aking yun ay isang himala at ito raw ay ibinigay ng Dyos sa akin bilang pangalawang buhay para magbago.Lumipas ang mga araw inilabas ako sa ospital,isang batang walang muang ang lumarawan sa akin.Dinadalaw ako ng madalas nina Kuya James at kanyang mga kapatiran.nagpapasalamat ako sa Dyos na bagaman dinanas ko ang ganung experiensya ay hindi nya ito pinadama sakin.Napakabait ng Dyos sa akin!maraming salamat o Panginoon!
Sa ngayon narito ako at pinagpapatuloy ang buhay,muling itinutuwid ang mga pagkakamali na aking nagawa kapiling ang aking pamilya at mga kaibigan.Aaminin ko na minsan marupok ako sa mga pagsubok ngunit sa ngalan ng Dyos patuloy akong lumalaban at tumatanggap ng gantimpala sa pamamagitan ng pagmamahal ng aking kapwa at pagbigay ng pangangailangan namin sa aming buhay.THANKS GOD!

Friendly Jayson

Filed under: All About Jayson — Jayson de Lemon @ 10:13 pm

Friendship Siguro para sa akin ako na yata ang pinakamaswerteng pinagpala pag dating sa kaibigan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit kahit saan ako magpunta ay may mga tropa akong nakakasalamuha and eventually nagiging parte ako nito. Siguro dahil friendly ako o kaya’y talagang nakalaan na sila para sakin upang maging bahagi ng buhay ko, na amy makasama at maging masaya ang pakikitungo ko sa iba at syempre upang maramdaman ko rin ang ibat-ibang emosyon ng isang indibidwal sa paraan ng pakikisalamuha. Bata palang ako ng makilala ko ang ” BLUE BOYS JAMS BIBO “. Marami akming mga pinagdaanan na talagang hindi namin makakalimutan na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso ng bawat isa sa amin ang aming samahan.

Sa pagtungtong ko ng elementarya nagkaroon ako ng tropa na binubuo ng mga kapwa ko mag-aaral. May mga tripings kami na talaga namang kasiya-siya. Paglipas ng apat na taon lumipat ako ng paaralang pinapasukan kasaby rin ng pagkahiwa-hiwalay ng tropa at tanging batian na lang ang nagaganap kapag nagkikita.

Sa paglipat ko ng paaralan noong ako ay nasa ika-limang baitang sa elementarya taong 1995-1996 sa Daet Elementary School ay panibagong tropa nanaman ang aking nakasalumuha at sa panahong din yun ay dun ko nakilala ang first love ko na talaga namang nagpasiya at nagpahirap sakin. Nagpasaya, dahil sa mura kong edad na sampu naramdaman ko ang salitang pag-ibig. Nagpahirap dahil hindi ko ito nasabi sa kanya na umabot na tatlong taon hanngang sa tuluyan na syang nawala sa puso ko.

Sa pagtungtong ko naman sa sekondarya sa unang taon taong 1997-1998 sa Moreno Integrated School ay nakilala ko naman ang tropang ” JARMIC BENARD ” na binubuo din ng mga kapwa ko mag-aaral na babae at lalaki.

Sa ikalawang taon ko naman sa sekondarya ay lumipat ako uli ng paaralan taong 1998-1999 sa ” LADY OF PENAFRANCIA COLLEGE OF DAET “. Nakilala ko naman dito ang mga katropa ko na kapwa ko rin schoolmate. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nanligaw ako at first time ko ring mabasted!

Sa ikatlong taon ko naman sa sekondarya sa bagong paaralan ko taong 1999-2000 sa ” CAMARINES NORTE NATIONAL HIGH SCHOOL ” ay nakilala ko naman ang tropang ” AYOS “. naranasan ko naman ang popularidad dahil daw sa pagiging _____ ko daw. Ako ay seksyon 3 noon. Sa taong din yun naranasan ko na ligawan ako ng babae, iniiyakan, pinagsasabihan ng problema at kung ano-ano pa upang ipakita ang pagiging close nila sakin.

Sa ika-apat na taon, taong 2000-2001 ay nalipat ako sa seksyon 2 sa nabanggit na paaralan din. Sa taong ito nakilala ko naman ang tropang ” SIGNIFICANT OTHERS ” na binubuo naman ng mga popular na studyante, mga dancers, beauty queen at mga panlaban ng paaralan. Dito ko natutunan ang ibat-ibang bisyo at sa kasmaang palad medyo naligaw ng landas ngunit hindi halata kasi maayos pa rin ang naging rekord ko sa paaralan at para sa akin isa ito sa naging pinakamakwentang pinagdaanan ko dahil mas naging mature ang pag-iisip ko at marami pang ibang nangyari sa buhay ko sa taong ito na talaga namang nagdevelop sa buo kong pagkatao.

Sa pag-apak ko naman sa kolehiyo buwan ng June -October 2001 unang semestre ay nakilala ko naman ang tropa ko na tinawag na LATAK, ito ay sa kadahilanang kami ay napabilang sa seksyon na sobra ng ibat-ibang kurso. Dito naman sa taong ito ay hiking ang trip namin.

Matapos ko ang unang semestre sa kolehiyo ay ipinasya ko munang huminto upang magtrabaho sa Jollibee dahilan na rin sa kakulangan ng mga magulang ko ng pera pantustos sa aking pag-aaral.

Buwan ng November 2001 – August 2002 ay nagtrabaho ako bilang service crew ( pantry station ) sa Jollibee. Doon ko naman natagpuan ang mga katropa ko na ang trip naman namin ay night-swimming.

Matapos ko sa Jollibee – Daet ay tumungo naman ako sa Baguio City kasama ang aking ina upang maghanap ng magandang buhay.

Taong 2003 – 2004 sa ikalawang semestre ko sa University of Baguio sa kursong Com – Scie ay nakilala ko naman ang mga tropa ko na panandalian lang dahilan sa pagka mis ko sa mga Bibo sa Daet.

October, 2004 nang kunin ako ni mama sa Bicol dahilan sa kritikal kong kundisyon. Umakyat sa utak ko ang impeksyon na syang naging dahilan ng pansamantala kong pagkabaliw.

November, 2004 – February, 2005 nang ako ay dalawang sunod na maconfine sa Baguio General Hospital.

Habang nagpapagaling at nagrerecover ako sa mga pangyayari, July 2005 ay nakilala ko ang tropang TOLITS na talaga namang labis akong pinahanga sa kanilang samahan. May mabababaw na kasiyahan ngunit may mga malalalim na pinagdadaanan na ang tanging nagiging pansagip ay ang simpleng pagtitipon-tipon at simpleng halakhakan.

Sa lahat ng tropang pinagdaanan ko kung iraranking ko sila ay nangunguna ang BIBO dahilan sa sila ang pioneer na hanggang sa ngayon ay BIBO pa rin! Pangalawa ang SIGNIFICANT OTHERS dahilan naman sa tulad ng sinabi ko sila ang may pinakamalaking papel na nagdevelop sa akin upang maging ako sa ngayon. Pangatlo ay ang TOLITS na kahit hindi ko pa matagal na nakakasalamuha ay naramdaman ko na akung pano mapabilang sa kanila bilang mga katropa at sa katotohanan dahil dito ay sila rin ang bumangon sa akin mula sa pagkakalugmok sa pag-iisa.

Nang Lumipat kami sa purok 2 ng Zamora sa Baguio City isa nanamang tropa ang naging mga kaibigan ko sila ay binubuo nina Roger, Kenny, Venny, John atbp… Ok silang kasama at kasalamuha, Medyo mature at nageenjoy ako.

Hanggang sa ngayon ay marami pa rin akong nakikilalang ibat-ibang kaibigan na talaga siguro nakatalaga sa bawat mapatunguhan ko ngayon at sa mga susunod pang mga panahon.

Sa kabuuan, nagpapasalamat ako sa lahat ng naging kaibigan ko. Naipakita rito ang paghahambing ko sa bagay sa mundo na kailangan ng tao na kapag may lumipas, may darating at ang lumipas ay mananatili at ang darating ay lilipas at mananatili. GET’S NYO MGA KATROPA?!

Older Posts »

Create a free website or blog at WordPress.com.